wag na natin lokohin ang ating mga sarili, mahirap mabuhay sa panahon ngayon.
maraming mga kawatan, mapanlinlang at mga taong halang ang kaluluwa. itatanong niyo siguro, “bakit may mga taong ganito?” at isasagot ko “kasi may mga taong nagpapagulang, nagpapaloko at sadyang tanga lang talaga”
guess what coconut, this 2011, bibigyan ko kayo ng daily advice kung papaano magsurvive sa ating everyday life. kasi naniniwala akong simple problems should have simple solutions.
ladies and gentlemen, welcome sa aking project 365. 365 ways to make your city living safe and sound.